Wednesday

Hoy Jetro. Hoy hoy Jetro.

Hoy kwento hoy hoy kwento.

Hingang malalim. Kakatakbo lamang.

Tumayo si Jetro sa gitna ng rampang paibaba.

"Rampang paibaba? Meron ba nun?" tanong ng boses sa kanyang ulo.

Meron daw, sabi ng kanyang konsenya.

May dalawang nilalang (o kung ano pa man) ang nagtatalo sa loob ng kanyang utak.

Ang kanyang konsensya at isang pang ano... uhh... ewan. Basta.

...

(Bakit Jetro? Di ba dapat JETHRO?)

"Ulul. Pakialam mo ba."

Habang siya'y nakatayo, maraming tao ang papalapit. Dumadaan. "Makikiraan lang po." Lahat ay pilit siyang iniiwasan.
Natural, syempre, of course.

Nakaharang siya sa daan e.

"Ano, palit na tayo mehn?"

"Wag muna." Pabulong na sinabi ni Jetro sa kanyang sarili. O sa hangin siguro. Di ko rin alam e. Basta.

"Excuse me sir, you are blocking the way."

"Aba," sabi ni Jetro. "Putang inang 'to. Pa-ingglis-ingglis pa."

"Ano, okay na ba?"

"Sandali na lang." sabi ni Jetro. Nagtataka na yung mga sikyo na nakatambay sa kanyang likuran. Sino ba namang hindi magtataka... kinakausap nya ang kanyang sarili...

"Abnoy mehn."

Ewan.

Ilang segundo ang nakalipas, biglang tumakbo si Jetro, pinulot nya ang lata ng gasolina, binuhos sa sikyo, binaril nya sa mukha, sabaybunot ng posporo sa bulsa, sinilaban ang gago, nagliyab ang paligid, namatay ang sikyo (syempre), "Ano kayang ulam mamaya?", binaril nya yung conyo, sinaksak nya yung bata (kahit na wala naman siyang panaksak, nakapulot lang siya ng bolpen). Gumulong gulong paibaba ang mga pinugot nyang ulo gamit ang kapirasong Gillette.

Hingang malalim. Kakatakbo lamang. Oh sure, kakapugot lang ng ulo.

Punasan ang mga dugo. Tumayo sa rampang pailalim. (meron nga ba talaga nun?)

"Sabi kong wag muna e."

#